Bakit minsan, ang kaligayahang asam
Ay tila hininga sa ginaw ng magang
Kasing-kulay ng nagngangalit na ulap
Na sa 'sang kisap ay alaala na lang?
Sadya kayang ang agos ng buhay na 'to
Ay kaugat ng mga along humampas,
Patuloy ang hampas, sa dalampasigan
Ng 'king matayog na buhanging kastilyo?
Tanggapin na, na panandalian lamang
Ang anumang ngiti sa mundong ibabaw,
At ang tugon sa tanong ng pangalawa
Ay ang dagundong ng malakas na "Oo".
Friday, April 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment