Friday, April 11, 2008

Sa mga Usbong ng Sining

Mga nilalang, hango sa apoy
Ang mga tanging ito na
Lumalakad sa diwang panaghoy,
Punong aliw ang siyang bunga.

Ayon sa pangkalahatang daloy
Sila'y hindi; bulalakaw
Ng lagablab, sa langit ang tuloy,
Ang dampi sa lupang uhaw.

Bawat kumpas, guhit, at ulinig
Katumbas dugong dumaloy
Na sa puso'y pamukaw at dilig,
Akay ang sayang palaboy.

Silang mga darang, sadyang bisig
Ang adhikaing ialay
Ang kaluluwa ng buong tindig,
Kasama ang tangang buhay.

Umusbong mula sa katas ng Diyos.
Mga makatang hango sa apoy.

No comments: