Friday, April 11, 2008

Ang Pagdungaw ng Sinag

Ang malagkit kong paningin
Aking dinako paroon
Sa landas ng siyang bituin
Ng mapamalot na gabi.

Mapanghugas na liwanag
Ang taglay ng kanyang yapos,
Tagos sa poot, banaag
Ang siyang matamis na haplos.

Walang humpay, sa pagdungaw
Ng paalam ng araw at
Pagbati ng buwang uhaw,
Ang dampi ng labing bukal.

Sapat na sa tangang himbing
Ang kaluluwang noon ay
Lantad, hubad sa hinaing,
Na ngayo'y mayang malaya.

Marahil ay di ko nais
Nang bumangon pa sa ilaw
Ng kinabukasang tangis,
Upang dito na humimlay.

Ngunit kahit ang bituin
Ay kandilang nauupos
Sa kanyang takdang panahon
Bagama't dulo ng wagas.

No comments: